
Naghain na ng petition for habeas corpus ang kampo ni dating Negros Oriental Third District Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ito ay makaraang arestuhin kagabi ng mga awtoridad sa Timor-Leste ang pinatalsik na kongresista kung saan naghain ng petisyon para sa asylum.
Ayon sa isa sa legal counsel ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, kinukuwestiyon ng kanilang kampo ang naging pag-aresto dahil wala ring malinaw na dahilan na ibinibigay ang mga awtoridad.
Sinabi pa ni Topacio na haharangin din ang posibleng pagtatangka na i-deport o i-extradite si Teves.
Samantala, naniniwala naman si Topacio na posibleng ginagawa rin ito para ilihis umano ang isyu sa naging resulta ng nagdaang 2025 midterm elections at sa mababang approval ratings ng mga opisyal.
Wala pang reaksyon ang Department of Justice (DOJ) sa pahayag ni Topacio.
Una nang sinabi ng DOJ na welcome para sa kanila ang muling pag-aresto kay Teves at handa rin sila sakaling kailanganin ang tulong para ilipat sa Pilipinas ang kustodiya sa dating kongresista.









