Humirit ng motion for reconsideration sa Comelec ang Partido Federal ng Pilipinas at si Atty. Victor Rodriguez na tagapagsalita ni presidential aspirant Bongbong Marcos.
Layon nito na hilingin sa Comelec na tanggapin ang kanilang intervention.
May kaugnayan ito sa nireresolba ng poll body na unang petition na humihiling ng pagkansela ng COC ni BBM sa inihaing petisyon ni Christian Buenafe.
Una nang inatasan ng Komisyon sina Buenafe at ang kampo ni Marcos na maghain ng memoranda sa kaso.
Ngayong araw ang deadline ng Comelec sa dalawang kampo na maghain ng memorandum.
Nakapaghain naman ng memorandum si Buenafe at iba pang petitioners, kung saan nagsasaad ito ng kanilang final arguments.
Sa kanilang petisyon, hiniling ng mga ito na alisin ang pangalan ni Marcos sa official list ng mga kandidato at sa official ballot.