Manila, Philippines – Positibo ang kampo ni Dating Senator Bongbong Marcos sa pagsisimula ng proseso sa inihain niyang electoral protest laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo sa pagka-Bise Presidente.
Ayon kay Atty. George Erwin Garcia, Legal Counsel ni Marcos, ikinatuwa nila na mayroon ng mga paunang hakbang para sa pagbibilang ng boto, ang ipinakita sa kanila ng Presidential Electoral Tribunal.
Tulad ng gym na pagdadausan ng recount at mga lamesang paglalagyan ng mga balota, at nakatakdang pagkolekta ng mga balota mula sa Iloilo, Negros Oriental at Camarines Sur, sa mga susunod na linggo.
Umaasa ang kampo ni Marcos na sa tatlong probinsya pa lang na ito ay makakikita na sila ng resulta lalo’t mayroon aniyang mga nawawalang boto mula sa mga nabanggit na lugar.
Ayon kay Atty. Garcia, nagpapasalamat rin sila sa PET dahil sa ginagawa nitong pagtugon, sa kabila ng mga protesta ng kabilang kampo.
Ayon kay Marcos, isa lang naman ang nais nilang makamit sa electoral protest na ito, ito ay ang maipaaalam sa taong bayan kung sino talaga ang tunay na nanalo sa pagka Bise Presidente.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558