Manila, Philippines – Bumubuo na ng legal team ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dedepensa sa impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado.
Ayon kay Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni Sereno sa impeachment case, si Atty. Alexander Poblador ang tatayong lead counsel ng Chief Justice.
Si Poblador ay naging abugado siya ni Senador Grace Poe sa disqualification case nang kumandidato ang senadora noong 2016 Presidential Elections.
Naging abogado rin si Poblador ni Senador Panfilo Lacson nang siya maharap ito sa kaso ng pagpatay kay PR man Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito.
Facebook Comments