Kampo ni Chief Justice Sereno, dumepensa sa hamong resignation ni Presidential Spokesman Harry Roque

Manila, Philippines – Nanindigan ang kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi magbibitiw sa tungkulin ang punong mahistrado.

Reaksyon ito ni Atty. Carlo Cruz, tagapagsalita ni Sereno sa impeachment case, kasunod ng panawagan ni Presidential spokesman Harry Roque na mag-resign ang Chief Justice.

Sinabi ni Cruz na tulad ng dati nilang deklarasyon, hindi option ng punong mahistrado ang pagre-resign.


Tiniyak ni Cruz na haharapin ng kanyang kliyente ang impeachment case nito para mapanatili ang dignidad at independence ng Supreme Court at maging ng Office of the Chief Justice.

Idinagdag ni Cruz na walang ginawa ang Chief Justice na ano mang bagay na makakasira sa institusyon, at sa halip ginagawa ng Punong Mahistrado ang lahat para mapalakas ito.

Facebook Comments