Kampo ni CJ Sereno, muling nagsumite ng liham sa Kamara para payagan ang mga abogado na magtanong sa mga ihaharap na saksi sa impeachment complaint

Manila, Philippines – Muling naghain ng panibagong liham ang mga abogado ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa House Committee on Justice para igiit ang karapatan na katawanin ang kanyang mga abogado sa pagdinig sa impeachment complaint.

Sa liham na isinumite, muling hiniling na payagan ang mga abogado ni Sereno na mag-cross examine sa mga saksing ihaharap ni Atty. Larry Gadon.

Ipinarerekunsidera ni Sereno sa komite ang pahayag ni Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na ang maaari lang payagan ang pagtatanong sa mga witnesses kung mismong si Sereno ang magtatanong.


Sa naging pahayag ni Umali na hindi pinapayagan sa house rules na magtanong ang mga abogado kung hindi sila ang resource persons.

Pero giit naman dito ng mga abogado ng Chief Justice, hindi ipinagbabawal sa rules na katawanin nila si Sereno.

Binigyang diin ng mga ito na kung pagbabawalan sila sa pagtatanong ay paglabag ito sa constitutional right to counsel at right to be heard through counsel ng Punong Mahistrado.

Facebook Comments