Thursday, January 15, 2026

Kampo ni Curlee Discaya, patuloy ang paggiit sa korte ng immediate release

Tuloy ang paggiit ng kampo ni Curlee Discaya na mapalalaya na ito sa Senado.

Ayon sa legal counsel nito na si Atty. Cornelio Samaniego III, may nakabinbin silang petition for certiorari sa Pasay City Regional Trial Court.

Aniya bagama’t sumasalang ito sa preliminary investigastions, wala namang pending case in court o arrest warrant laban kay Discaya.

Dapat aniyang palayain ng Kapulungan ang kaniyang kliyente kung katigan ng korte ang kanilang petisyon.

Pinagsusumite na rin umano sila ng korte ng memoranda at matapos ang simultaneous filing, deemed submitted for resolution na ito at wala nang hearing.

Idiniin niya na malayo sa imbestigasyong ‘in aid of legislation’ ang naging batayan ng Senado sa pag-contempt sa kaniyang kliyente.

Matatandaang, humiling ang panganay na anak ni Discaya ng Christmas furlough sa Senado pero ibinasura ito ng liderato.

Facebook Comments