Kampo ni dating Iloilo Mayor Mabilog, nag-file ng motion to quash; 3rd Division ng Sandiganbayan, ipinagpaliban ang arraignment sa Nobyembre

Ipinagpaliban ng Third Division ng Sandiganbayan ang Arraignment o pagbasa ng sakdal kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.

Ito ay kaugnay sa kasong katiwalian na isinampa laban kay Mabilog dahil sa kontrobersyal na kontrata sa towing services noong 2015.

Sa pagdinig, iginiit ng kampo ni Mabilog na mayroon silang nakahain na motion to quash.


Dahil dito, hiniling na maipagpaliban ang arraignment hanggang sa tuluyang maresolba ang kanilang mosyon.

Hindi naman tumutol ang kampo ng prosekusyon at humiling na bigyan sila hanggang October 18 para makapaghain ng kanilang komento.

Itinakda ni 3rd Division Presiding Justice Cabotahe Tan na sa November 22, 2024 na lang ang pagbasa ng sakdal kay Mabilog.

Facebook Comments