Kampo ni dating Mayor Patrick Jed Mabilog, bigong makakuha ng Temporary Restraining Order

Iloilo City – Nabigo ang kampo ni dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog na makapaghain ng petition for certiorari para makakuha ng temporary restraining order o tro sa dismissal order nito.

Ayon kay Atty. Jonar Pueblo, tagapagsalita ni Mabilog, nagpadala na sila ng kinatawan para maghain ng nasabing petisyon sa Court of Appeals o CA.

Pero nagdeklara ng holiday ang korte kaya’t hindi natuloy ang paghahain ng nasabing petisyon.


Gayunman, tiniyak ni Pueblo na kaagad silang maghahain ng petition for certiorari sa Nobyembre 2.

Oras na pagbigyan ang hiling nilang TRO, magiging null and void ang pagsisilbi ng Department of Interior and Local Government o DILG ng dismissal order laban kay Mabilog.

Facebook Comments