Manila, Philippines – Binubuo na ng legal team ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang kanilang magiging hakbang matapos na i-akyat ng Ombusdman sa Sandiganbayan ang kaso laban kay Aquino kaugnay sa Mamasapano massacre na ikinamatay ng 44 SAF troopers noong 2015.
Kasunod na rin ng pagbasura ng Ombudsman sa inihaing motion for reconsideration ng kampo ni Aquino kaugnay sa kasong usurpation of authority at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act laban sa dating pangulo.
Sa interview ng RMN sa tagapagsalita ni Aquino na si Atty. Abigail Valte, sinabi nito na may mga punto ang dating pangulo na gusto niyang ma-klaro sa kanyang mga abogado.
Pagtitiyak ni Valte – lahat ng “legal options” ay kanilang ihahain sa nasabing kaso.
Noong nakaraang buwan ng hulyo ay kinasuhan din ng Ombudsman sa sandiganbayan kaugnay ng mamasapano massacre sina purisima at dating PNP-SAF Chief Getulio Napeñas na ayon sa resolusyon ni Morales ay nagsabwatan para sa kasong graft.
Kampo ni dating Pangulong Noynoy Aquino, bumubuo na ng hakbang sa kaso laban kay Aquino kaugnay sa Mamasapano massacre
Facebook Comments