Kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos, naghain ng panibagong mosyon sa Korte Suprema

Muling kinalampag ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ang Korte Suprema na aksyunan na ang kanilang naunang mosyon na humihiling na atasan ang Comelec na isumite ang resulta ng technical examination sa boto noong 2016

 

Partikular ang mula sa sa mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao kung saan sinasabing nadaya si Marcos.

 

Ayon sa abogado ni Marcos na si George Garcia, sa kanilang inihaing mosyon, hiniling nila muli sa Supreme Court na atasan ang Comelec na isumite ang findings nito sa technical examination sa mga election returns at election day computerized voters’ list na isinagawa sa Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao.


 

Sinabi ni Garcia na mahalaga na mabigyan ang Supreme Court ng kopya ng nasabing resulta at mapasama ito sa pagresolba sa protesta dahil sakop ng kanilang election protest ang mga presinto na isinailalim sa technical examination.

 

Nanawagan din muli ang kampo ni Marcos sa Supreme Court na imbestigahan ang mga Chairmen at member ng Board of Election Inspectors sa Lanao Del Sur, Basilan at Maguindanao para madetermina ang kanilang partisipasyon sa malawakang substituted voting.

Facebook Comments