Binigyan ng DOJ Panel of Prosecutors ng ultimatum si dating Senador Antonio Trillanes IV para maghain ng kontra salaysay sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
Ito ay matapos na muling mabigo ang kampo ni Trillanes na maghain ng counter affidavit sa pagdinig ng DOJ kahapon.
Bukod kay Trillanes, bigo ring makapaghain ng kontra salaysay ang iba pang respondents sa kaso na sina Atty. Jude Sabio, Fr. Albert Alejo at Sister Ling.
Tumatayong complainants sa kaso ang PNP-CIDG at ang private complainant na si Guillermina Barrido.
Binalaan din ng panel ang grupo ni Trillanes na kapag hindi pa sila nakapaghain ng counter affidavit sa October 22 ay dedesisyunan na nila ang reklamo.
Facebook Comments