Nilinaw ng kampo ni Dating Senator Bongbong Marcos na gusto lamang nilang matapos nang maayos ang kanilang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo noong 2016.
Ito ay kasunod ng inihaing motion for reconsideration ng kampo ni Marcos noong Lunes sa presidential electoral tribunal.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, na wala na silang pakialam kung ano ang maging resulta ng electoral protest kundi gusto lamang nilang dinggin nang tama ang inihaing protesta.
Pinabulaanan din ni Rodriguez ang mga paratang na gimik lamang ito ni Marcos lalo na’t malapit na rin naman ang 2022 elections.
Facebook Comments