Manila, Philippines – Naghain ng omnibus motion sa Presidential Electoral Tribunal ang kampo ni dating Senator Bongbong Marcos kaugnay ng inihain nitong election protest laban kay VP Leni Robredo.
Batay sa 6 na pahinang mosyon na inihain ni Atty. George Garcia, hiniling ng kampo ni Marcos sa PET na mabasura ang hirit na counter protest ng Bise Presidente.
Ito ay dahil sa kabiguang makapaglagak ng cash deposit ng kampo ni Robredo sa loob ng prescribed period.
Giit ng kampo ni Marcos, ang kabiguan ni VP Leni na makapagbayad ng P8M bilang recount fee sa itinatakdang panahon nuong April 17 ay nangangahulugang dapat nang ma-dismiss ang kanyang inihaing counter protest alinsunod na rin sa rule 34 ng 2010 rules of PET.
Sa halip na magbayad ng recount fee, naghain ang kampo ng Pangalawang Pangulo ng manifestation with urgent omnibus motion for clarification & reconsideration sa inilabas na resolusyon ng Korte Suprema noong March 21 kung saan nakasaad na ang magkabilang kampo ay kinakailangang magbayad ng recount fee para umusad ang inihain nilang election protest
Matatandaan nuong April 17 nagtungo sa SC ang kampo ni Marcos at nagbayad ng P36M na layuning gastusan ang pag-retrieve sa mga kinukuwestiyong mga ballot boxes at mga election documents.
Nation