Iginiit ng kampo ni dating Senadora Leila de Lima na ang kakulangan ng ebidensya ang dahilan kung bakit kinatigan ng korte ang motion for demurrer to evidence na kanilang inihain.
Partikular ang mosyon na inihain nila sa Muntinlupa Regional Trial Court branch 206 nitong March 20.
Ayon kay Atty. Boni Tacardon, abogado ni De Lima, nabigo ang prosekusyon na mapatunayang guilty ang dating senadora sa sinasabing Bilibid drug trading.
Una nang nabasura ang dalawang drug cases ni De Lima.
Nangangahulugan ito na tuluyan nang nalinis ang dating senadora sa kanyang mga kaso na may kinalaman sa iligal na droga.
Facebook Comments