Kampo ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, bigong maghain ng counter-affidavit sa Comelec sa kabila ng hiling na palawigin ang deadline

Wala pang natatanggap ang Commission on Elections (Comelec) na counter-affidavit ng sinibak na si dating Bamban Mayor Alice Guo kaugnay sa subpoena na inihain laban sa kaniya.

Sa kabila ito ng pagbibigay ng poll body ng palugit para maghain ng kontra salaysay ang alkalde.

Batay sa iginawad na extension, pinayagan ito hanggan kahapon, September mula sa deadline noong nakaraang linggo na August 27.


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi pa rin nakikipag-ugnayan sa kanila ang kampo ng dating alkalde.

Sa kabila nito, may hanggang bukas pa raw ang kampo ni Guo para maghain ng counter-affidavit dahil nagsuspinde ng pasok sa gobyerno ngayong araw dulot ng masamang panahon.

Isinilbi kay Guo ang subpoena noong August 13 dahil sa reklamong material misrepresentation.

Noong August 22 nang humiling ang legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David na magbigay ng sampung araw na extension para makasagot ang kanilang kampo.

Facebook Comments