Kampo ni Iloilo Mayor Jed Mabilog, idudulog sa Court of Appeals ang desisyon ng Ombudsman na sibakin siya sa pwesto

Manila Philippines – Idudulog sa Court of Appeals ni Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog ang desisyon ng Ombudsman na sibakin na siya sa pwesto.

Nag-ugat ang dismissal order sa kabiguan ng alkalde na maipaliwanag ang pagtaas ng kanyang yaman.

Lumalabas sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN), tumaas ng siyam na milyong piso ang ideneklara niyang yaman mula sa 59.4 million noong 2012, tumaas ito sa 68.3 million noong 2013.


Agosto pa inilabas ng Ombudsman ang Dismissal Order pero, kahapon lamang natanggap ng kampo ni Mabilog ang kopya ng nasabing desisyon.

Facebook Comments