Kampo ni JP Solano, tumanggi sa posibleng pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program

Manila, Philippines – Tumanggi ang kampo ni hazing suspect John Paul Solano sa posibleng pagsasailalim sa kanya sa Witness Protection Program (WPP).

Ayon sa abogado ni Solano na si Atty. Paterno Esmaquel, hindi nila tatanggapin ang posibleng alok sa kanila na legislative immunity.

Ito ay dahil inosente aniya si Solano sa pagkamatay ni UST Law student Horacio Castillo III.


Tiniyak din ni Atty. Esmaquel na handang tumulong sa ikalulutas ng kaso ang kanyang kliyente nang walang kapalit na immunity.

Ninilaw naman ng kampo ni Solano na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na alok mula sa DOJ hinggil sa posibleng pagsasailalim kay John Paul sa WPP.

Facebook Comments