Kampo ni Maguindanao del Norte acting Governor Bai Ainee Sinsuat, wala umanong natatanggap na pormal na komunikasyon sa Malacañang

Nananawagan ang tagapagsalita ni acting Governor Bai Ainee Sinsuat na si Atty. Valerie Añober kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magkatoon sana ng pagkakataon na magkausap ang dalawa.

Sa isinagawang Press conference sa Supreme Court sa Baguio, iginiit ni Atty. Añober na mayroon ng desisyon sa hinaing Writ of Mandatory Preliminary Injunction laban sa Bureau of Local Government Finance (BLGF) at BARMM Ministry of Interior and Local Government, nitong April 19, 2023.

Ito’y sa kabila ng appointment ni Pangulong Bongbong Marcos kay dating BARMM Senior Minister Abdulraof Macacua na Officer-In-Charge (OIC) Governor ng Maguindanao del Norte, noong April 5, 2023.


Bukod dito, nagpasalamat si Añober sa Korte Suprema sa kanilang naging desisyon na umano’y nagpapakita ng pagkilala sa liderato ni acting Governor Bai Ainee sa lalawigan ng Maguindanao del Norte.

Nabatid kasi na sa ilalim ng Republic Act No. 11550, naganap noong September 2022 ang plebesito sa lalawigan ng Maguindanao para sa paghahati nito sa dalawa bilang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Agad naman umupo bilang Governor ng Maguindanao del Sur si One Maguindanao Governor Bai Mariam Mangudadatau at sa Maguindanao del Norte si Bai Ainee Sinsuat sa bisa na rin ng RA 11550.

Ngunit hindi kinilala ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang pag-upo ni Sinsuat bilang Gobernador ng lalawigan ng Maguindanao del Norte na nagdulot ng pagkadiskaril ng basic services kasama ang Scholars, PWDs, Senior Citizens, relief assistance, at kawalan ng sweldo dahil sa hindi inaksyonan ng BLGF XII.

Kaugnay nito, naghain si Sinsuat ng Petition for Mandamus with prayer for issuance of Writ of Preliminary Injunction noong February 20, 2023 na siya naman sinagot ng Korte Suprema na pumapabor sa kaniya bilang acting governor ng lalawigan ng Maguindanao del Norte.

Facebook Comments