Pursigido si Incoming Chief of Staff Cesar Chavez na hanapin sa bawat Departamento ang mga dokumento na dapat naiturn over ngayong huling araw ng pasukan sa Lungsod ng Manila.
Ayon kay Incoming City Administrator Felix Espiritu ang magiging problema ’sa properties dahil walang pormal na turn over mula sa outgoing administration, kaya walang official na document at walang record na naiturn over turned over sa transition team ni Mayor-elect Francisco “Isko” Moreno Domagoso.
Ang turn over ng mga dokomento ay dapat naka scheduled kaninang alas 10:30 am ngayong Friday, June 28, pero walang miyembro ng transition team ni outgoing Mayor Joseph Estrada ang dumating tanging mga members ni Domagoso transition team ang dumalo sa naturang turn over sana mangyayari.
Sakabila ng kautusan ng Department of the Interior and Local Government ang pag iisyu ng Memorandum Circular No. 2019-39, na inaatasan ang lahat ng mga Provincial Governors, City at Municipal Mayors na gumawa ng kanilang transition teams upang kumalap at ipreserba ang lahat ng mga official documents, transactions at records para proper turnover kung kinakailangan ay hindi pa rin sinipot ng kampo ni Estrada.
Paliwanag naman ni Leah Peralta OIC ng DILG irereport niya sa DILG ang nangyaring walang turn over at nagpaalala na ang hindi tumalima sa naturang Memorandum Circular ay mayroong kaakibat na parusa alinsunod sa umiiral na batas.