Kampo ni Maria Ressa, i-aapela sa SC ang kinakaharap na kaso

Manila, Philippines – Kukuwestiyunin ng kampo ni Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa sa Korte Suprema ang kasong cyber libel na inihain laban sa kaniya.

Ayon kay Atty. JJ Disini, abugado ni Ressa, pinag-aaralan na rin nila ang timing ng pag-aresto sa kaniyang kliyente at ang nilalaman ng kanyang arrest warrant.

Matatandaang inaresto si Ressa dahil sa cyber libel kaugnay ng reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Keng hinggil sa isang malisosyong artikulo ng Rappler noong 2012.


Giit ni Disini, hindi pa naisasabatas ang Cybercrime Prevention Act nang mailathala ang artikulo kaya hindi ito dapat sakop ng batas.

Anya, hindi maituturing na republication ang 2014 update taliwas sa pahayag ng Department of Justice (DOJ) dahil hindi naman nabago ang laman ng istorya.

Sa Marso 1 nakatakda ang arraignment ng kaso kung saan aalamin ng husgado kung may basehan ba ang reklamo.

Facebook Comments