Kampo ni NCRPO Chief Debold Sinas, nag-sumite na rin ng paliwanag sa NBI hinggil sa sinasabing paglabag niya sa quarantine protocols

Nagtungo rin sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kinatawan ni National Capital Region Office (NCRPO) Chief Major General Debold Sinas para mag-sumite ng letter of explanation.

Kaugnay ito ng imbestigasyon ng NBI sa kontrobersyal na “mañanita” para kay General Sinas.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam ang kinatawan ng NCRPO Chief.


Una nang inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang NBI na imbestigahan ang posibleng mga paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa nangyaring birthday party para kay General Sinas noong May 8, 2020.

Facebook Comments