Pina-i-inhbit o pinaalis ng kampo ni suspended Negros Oriental Cong. Arnolfo Teves Jr., ang Department of Justice (DOJ), sa paghawak sa murder case ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Kaninang tanghali ay naghain ng motion to inhibit ang kampo ni Teves sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio laban sa DOJ Panel of Prosecutors.
Sa kanyang mosyon, sinabi ni Teves na hinuhusgahan at hinahatulan siyang guilty sa kaso ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa mga pahayag nito sa media.
Inaakusahan din ni Teves ang DOJ ng partiality, at sinabing ang imbestigasyon sa naturang kaso ay dapat isagawa ng Office of the Ombudsman.
Facebook Comments