Manila, Philippines – Kakausapin mamaya ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino ang kanyang legal team para talakayin ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na ibasura ang inihaing Motion for Reconsideration kaugnay sa kasong usurpation of authority at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act laban kay dating Pangulong Aquino.
Dahil dito ay iaakyat na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso para litisin at malaman kung talagang nagkasala ang dating Pangulo.
Ayon sa tagapagsalita ng dating Pangulo na si Atty. Abigail Valte, ngayong hapon ay pupulungin ni dating Pangulong Aquino ang kanyang legal team para alamin kung anong hakbang ang kanilang susunod na gagawin kaugnay sa nasabing desisyon ng Ombudsman.
Matatandaan na nag-ugat ang nasabing kaso dahil sa Mamasapano Incident kung saan namatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force kung saan sinasabi na ang nagbigay ng utos at nagplano ng operasyon ay si dating PNP Chief Director General Alan Purisima na suspendido noong panahon na iyon.