Kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, natanggap na ang subpoena ng Senado

Natanggap na ng opisina ni Pastor Apollo Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang subpoena na inisyu sa kanya ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Ang subpoena ad testificandum ay natanggap ni KOJC Counsel Atty. Marie Dinah Tolentino Fuentes kahapon ng ala-1:00 ng hapon.

Dahil natanggap na ng opisina ni Quiboloy sa KOJC ang subpoena ay inaasahang makararating na ito sa kanya at haharap ito sa susunod na pagdinig ng komite sa March 5.


Matatandaang nagbanta si Senator Risa Hontiveros, Chairperson ng komite na kung hindi dadalo si Quiboloy sa susunod na imbestigasyon ng Senado ay mapipilitan siyang ipa-contempt at ipaaresto ang pastor.

Hinamon din ng senadora si Quiboloy na magpakita muna ito sa pagdinig bago humiling ng kung ano-ano patungkol naman sa banta sa kanyang buhay.

Facebook Comments