Kampo ni Pastor Apollo Quiboloy, tiwalang ibabasura ang petisyon para ideklara itong nuisance candidate

Umaasa ang kampo ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy na pagbibigyan ng korte ang kanilang hiling na makapag-piyansa ang religious leader.

Humihiling ng petition for bail si Quiboloy sa kaniyang kasong qualified human trafficking na inihain ng complainant na si “Alyas Amanda”.

Sa ambush interview sa Department of Justice (DOJ), sinabi ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon, naniniwala silang inosente ang kanilang kliyente.


Sa kabila naman ng petisyon na inihain kahapon sa Korte Suprema para ideklarang nuisance candidate si Quiboloy, sinabi ni Atty. Torreon na umaasa rin sila na ibabasura ito ng Mataas na Hukuman.

Inihain ang petisyon ng labor leader na si Atty. Sonny Matula na humihiling na baliktarin ng SC ang desisyon ng Commission on Elections na payagang tumakbo sa pagka-senador si Quiboloy.

Facebook Comments