Kampo ni Pastor Quiboloy, tinawag na gawa-gawa ang akusasyong ginagamit ng founder ng KOJC ang pagiging relihiyoso upang mang-abuso

Hinamon ng kampo ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga bagong biktima ng umano’y sekswal na pang-aabuso ng pastor na patunayan ang kanilang akusasyon.

Pinabulaanan ni Atty. Mark Tolentino, isa sa mga abogado ni Quiboloy na ginagamit ng pastor ang pagiging relihiyoso para magawa ang mga sekswal na pang-aabuso.

Iginiit ni Tolentino na mabait si Pastor Quiboloy, mapagkumbaba at puno ng God’s wisdom.


Tinawag din ni Atty. Tolentino na fake news at nagma-‘Marites’ ang PNP sa sinabi umano ng mga biktima na daan patungong kalangitan ang pakikipagtalik kay Quiboloy.

Facebook Comments