Kampo ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena, nangako ng 500,000 pesos na donation para kay Lydia de Vega

Nag-pledge ang kampo ni Asia’s top pole vaulter EJ Obiena ng aabot sa 500,000 pesos na donasyon para kay dating sprint queen Lydia de Vega na nilalabanan ngayon ang cancer.

Ito ay matapos sabihin ni Obiena na plano nitong ibigay ang 250,000 pesos na insentibo na ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagtulong kay de Vega.

Ayon pa sa pole vaulter, sa kabila ng pangangailangan ng pondo para sa pag-eensayo ay napagtanto nitong mas kailangan ni Lydia ng pera kaya direktang makukuha ito ng pamilya kapag naibigay na ng PSC.


Samantala, ibinunyag ni Obiena na ang kaniyang adviser na si James Lafferty ay plano ring pantayan ang kaniyang ibinigay na donasyon at magpapaabot din ng 250,000 pesos sa pamilya ni de Vega.

Kamakailan lamang ay nakamit ng EJ Obiena ang bronze medal sa 2022 World Athletic Championships at nakapagtala ng bagong personal best record at Asian record matapos matagumpay nitong ma-clear ang 5.94 meter obstacle.

Facebook Comments