Nanawagan ang kampo ni presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa publiko na irespeto ang desisyon ng nakararaming Pilipino.
Ito ay matapos iakyat sa Korte Suprema ang isang petisyon na nagpapakansela sa Certificate of Candidacy (COC) ni Marcos Jr.
Ayon sa tagapagsalita at Chief of Staff ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, dapat tigilan na ang pagsusulong ng mga bagay na maghahati-hati lamang sa bansa.
Aniya, dapat hayaan na lamang din ng mga petitioner ang kampo ni Marcos na maging produktibo.
Nilinaw naman ni Rodriguez, na wala pa silang natatanggap na kopya ng petisyon na inihain ng dating tagapagsalita ng Supreme Court na si Atty. Theodore Te.
Facebook Comments