Kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nanawagan sa mga Pilipino na suportahan ang susunod na administrasyon

Nanawagan ang kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga Pilipino na suportahan ang susunod na administrasyon.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Atty. Vic Rodriguez, magsisilbi pa rin si Marcos sa lahat ng mga Pilipino anuman ang kulay ng pulitika at pinaniniwalaan.

Inimbitahan din ni Rodriguez ang publiko na suportahan ang lahat ng mga bagong halal na kandidato.


Sa ngayon, bubuo na ang kampo ni Marcos ng transition team na makikipag-ugnayan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, nanawagan si Marcos na huwag siyang husgahan dahil sa kaniyang angkan at sa halip ay tingnan ang kaniyang mga nagawa.

Ayon kay Rodriguez, nakahanda na ang presidential frontrunner na magtrabaho at makipag-tulungan sa mga international partner at organizations para matugunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

Noong Martes, binisita ni Marcos ang puntod ng kaniyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Libingan ng mga Bayani.

Facebook Comments