Nais ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ o KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy na mapahaba pa ang kaniyang medical furlough.
Ayon ito sa kaniyang abogado na si Israelito Torreon matapos itong magkaroon ng impeksyon sa kaniyang panga dahil sa dental implant operations.
Ngayong araw nakatakda ang pagpapatuloy ng hearing ni Quiboloy sa kasong human trafficking.
Maaalalang sinugod ito noong Nobyembre 8 sa Philippine Heart Center dahil sa chest discomfort nito.
Hindi naman kinatigan ng Pasig Regional Trial Court ang kahilingan ng kampo ni Quiboloy na siya’y ma-hospital arrest.
Facebook Comments