Kampo ni Robredo, umapela sa DOJ na utusan ang PNP na ilabas nang buo ang kanilang ebidensya hinggil sa Bikoy videos

Manila, Philippines – Umapela ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Department of Justice (DOJ) na utusan ang Philippine National Police (PNP) na ilabas nang buo ang kanilang ebidensya laban sa mga akusado sa kontrobersyal na “Ang Totoong Narco-list” video.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, na dapat ilabas nang lahat ng PNP ang kanilang mga ebidensya para masagot nila nang maayos ang akusasyon.

Ayon kay Gutierrez, dapat lang na mabasura ang kaso dahil mahina at hindi kapani-paniwala ang pabago-bagong testimonya ni Peter Jomel Advincula o alyas ‘Bikoy’.


Pinanghahawakan din ng kampo ng bise presidente ang pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na titiyakin niyang magiging patas ang proseso ng pagdinig.

Samantala, nagsumite na rin ng kontra-salaysay sa DOJ ang tatlo sa mga obispo na sinampahan ng criminal complaints dahil sa partisipasyon umano sa Bikoy videos.

Kabilang dito sina dating CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, CBCP Vice President at Calookan Bishop Pablo Virgilio David at retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani.

Facebook Comments