Manila, Philippines – Inihahanda na ng kampo ni Senator Leila De Lima ang apela na kanilang ihahain sa Korte Suprema.
Ito ay matapos na ibasura ng Supreme Court ang petisyon ng senadora na kumukuwestiyon sa warrant of arrest at hurisdiksyon ng Muntinlupa RTC branch 204 sa kanyang drug case.
Ayon kay Atty. Alexander Padilla, isa sa mga miyembro ng legal team ni De Lima, pina-plansta na lamang nila ang kanilang ihahain na motion for reconsideration.
Mayroon labing-limang araw ang kampo ni De lima para mag-apela sa desisyon ng Kataas-Taasang Hukuman.
Facebook Comments