Kampo ni Sen. De Lima, aapela sa korte suprema hinggil sa desisyon nitong manatili sa piitan ang Senadora

Manila, Philippines – Maghahain ng Motion for Reconsideration ang kampo ni Sen. Leila de Lima sa Korte Suprema.

Ito ay makaraang magdesisyon ang Supreme Court sa botong 9-6 na manatili sa PNP Custodial centre ang senadora dahil sa kinakaharap nitong kaso hinggil sa ilegal na droga nuong ito pa ang kalihim ng DOJ.

Sa panayam kay Atty Boni Tacardon, isa sa mga legal counsel ni De lima sa naunsyaming arraignment nito sa Muntinlupa RTC kanina, pinaghahandaan na nila ang isusumiteng MR sa SC.


Sinabi pa ni Tacordon na malinaw na hawak na ngayon sa leeg ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kataas Taasang Hukuman.

Tinawag pa ng kampo ni De Lima na “Dutertism” ang malawak na impluwensya ng pangulo.

Kasunod nito umaasa aniya ang kalihim na mababago pa ang desisyon hinggil dito.

Facebook Comments