Kampo ni Sen. Leila De Lima, kumpiyansang tuluyang mababasura ang mga kasong isinampa laban dito

1116

Kumpiyansa ang kampo ni Senator Leila De Lima na tuluyang mababasura ang mga kasong isinampa laban dito.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Atty. Boni Tacarbon, Legal Spokesperson ni Sen. De Lima, na walang direktang nakapagturo sa kaugnayan ni De Lima sa umano’y kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).


Sa katunayan, natapos na ang pagprisinta ng ebidensiya sa dalawang kaso laban kay De Lima na nakasampa sa Regional Trial Court ng Muntinlupa habang isa pang kaso ang idineklarang wala nang testigo.

Sa ngayon, umaasa ang Legal Team ni De Lima na makapagsampa ng Demurrer to Evidence para tuluyang mabasura ang kaso laban sa Senador

Ilan sa mga tumestigo laban kay De Lima ay sina Jaybee Sebastian o Jaybee Niño Manicad Sebastian sa totoong buhay na nasawi noong July 18, 2020 dahil sa COVID-19.

Kasama rin sa tumestigo ang convicted Drug Lord na si Vicente Sy na dati nang nagsabi na nagbigay siya ng limang-daang libo kay De Lima na itinaggi naman nito kalaunan.




Facebook Comments