Kampo ni Sen. Pacquiao, dapat makipagtulungan sa liderato ng PDP-Laban – Nograles

Nakiusap si Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Executive Vice President Karlo Nograles sa kampo ni Senator Manny Pacquiao na pakinggan ang panawagan ng liderato at makipagtulungan habang nalalapit ang 2022 elections.

Iginiit ni Nograles na ang ginanap na July 16 at 17 national council meeting at assembly ay isinagawa alinsunod sa konstitusyon at alituntunin ng PDP-Laban.

Ang lahat aniya ng mga miyembrong bumoto sa national council at national assembly at mayroong authorization na bumoto.


Itinanggi rin ni Nograles na mayroong dalawang paksyon sa partido.

Ang mahalaga aniya, naresolba sa pulong ang mga isyu sa kung sino ang may awtorisasyong pumirma ng mga dokumento para sa mga opisyal na kandidato ng partido kapag isusumite na nila ito sa Commission on Elections (Comelec).

Maaaring idulog nina Senator Koko Pimentel at Senator Pacquiao ang kanilang mga hinaing sa grievance committee ng partido.

Pinabulaanan din ni Nograles na inityapwera nila si Pacquiao.

Ang PDP-Laban ay planong bumuo ng “Council of Elders” kung saan kasama rito sa Pimentel.

Facebook Comments