MANILA – Maghahain ng “demand letter” ngayong araw ang kampo ni Senador Bongbong Marcos sa Commission on Elections (Comelec) para mabuksan ang sistema na ginamit sa halalan.Ayon kay Attorney Jose Amorado, Head ng Legal Team ni Marcos, ang “system audit” ang magbibigay linaw sa pinalitang hash code sa transparency server ng Comelec.Sinabi pa ni Amorado, na nakakuha sila ng mga ebidensya sa pamamagitan ng kanilang mga volunteers na nagpapatunay ng ilang iregularidad tulad ng discrepancies sa Certificate of Canvass.Samantala, nanawagan si Congresswoman Leni Robredo sa mga taga-suporta ni Marcos na irespeto at tanggapin nalang ang kalalabasan ng bilangan.Hinikayat rin ni Robredo ang kampo ni Marcos na maglabas ng ebidensya para patunayang nandaya sila sa halalan.Kaugnay nito, dadalo naman ang kampo ni Marcos sa gagawing pagdinig ng Kongreso sa bukas (May 19) kaugnay sa pagpapalit ng hash code.
Kampo Ni Senador At Vp Candidate Bongbong Marcos, Maghahain Ng Demand Letter Sa Comelec Ngayong Araw Para Buksan Ang Sis
Facebook Comments