Isa si Senator Koko Pimentel sa ipinapatawag ng National Bureau of Investigation o NBI dahil sa posibleng paglabag sa quarantine protocols.
Ayon kay Ron Munsayac, Chief Political Officer ni Pimentel, reasonable at logical ang imbitasyon ng NBI.
Gayunpaman, umaapela si Munsayac na bigyan muna ng ilang linggo ang Senador para makapagpahinga at tuluyang makapagpagaling mula sa Coronavirus Disease.
Sa ngayon ay may mga kumakalat na impormasyon na nasa ospital umano si Pimentel pero walang pahayag hinggil dito ang Senador maging ang kanyang tanggapan.
Kasabay nito ay lumabas din ang mga impormasyon na nakapanganak na umano ang misis ni Pimentel na si Kathryna at good news naman na negatibo sa COVID-19 ang kanilang baby girl.
Nauna ng hiniling ni Munsayac na pagbigyan ang right to privacy at right to get well ni Pimentel.