Kampo ni Speaker Arroyo, itinuturing na New Year’s gift ang pag-abswelto sa kanya

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng pamilya ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaabswelto sa kanya sa kasong electoral sabotage na isinampa laban sa kanya kaugnay ng 2007 Midterm elections.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Arroyo, para sa pamilya ito ang pinakamagandang ‘New Year’s gift’ na kanilang natanggap.

Si Arroyo ay inakusahan na nag-utos sa dalawang lokal na opisyal na manipulahin ang resulta ng eleksyon sa Maguindanao para manalo ang mga kaalyado ng kanyang administrasyon.


Para kay Topacio, mabagal man ang hustisya ay nanaig pa rin ito.
Si CGMA ay nauna na ring inabswelto ng Sandiganbayan sa kasong plunder kaugnay ng NBN-ZTE deal at sa sinasabing hindi tamang paggamit ng P366 milyong pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Facebook Comments