Nakaupo pa rin bilang alkalde ng bayan ng Sual ang si Liseldo ‘Dong’ Calugay, matapos ang usap-usapang suspension order nito na ibinaba mula sa office of the Ombudsman.
Ayon Kay Atty. Victor Morales, ang legal counsel nito na natanggap nila ang sulat mula sa Ombudsman na naglalahad ng desisyon sa kaso sa umano’y grave misconduct, kung saan nasangkot din ang executive assistant ng alkalde na si Cheryl Medina.
Nasangkot Umano sila sa Fishery Privilege Application ni Medina dahil sa pagmamay-ari nitong aqua farm, kung saan sa loob ng 16 pahina ng naging desisyon ng korte ay iniisa-isa ang mga naging atraso nito.
Depensa ng kampo ni Calugay na hindi nila pwedeng ipataw ang tatlong buwan na suspensyon bunsod ng umiiral na Election Period, kung saan ipinagbabawal ang pagsususpindi ng kahit na sinong opisyal ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Atty. Morales, simple misconduct lamang ito at nagpila na sila umano ng petition for review with application for TRO sa Court of Appeals.
Mensahe ni Mayor Dong Calugay sa mga residente ng Sual na hindi niya umano iiwan ang kaniyang mga kababayan at ipinagpasa-Diyos na lamang ang kinakaharap nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments