Sa halip na maghain ng kaniyang counter affidavit, ay naghain ng motion to inhibit si suspended Breau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag laban sa Prosecution Panel ng Department of Justice (DOJ), na humahawak sa kaniyang double murder case.
Ito ang naging eksena kanina sa pagharap ni Bantag para sa kauna-unahang preliminary investigation ng DOJ kaugnay sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Globa Villamor.
Ayon kay Bantag, walang hurisdiksyon ang DOJ sa kaniyang kasong kinakaharap dahil empleyado siya ng pamahalaan kung kaya’t ang Ombudsman dapat ang lumitis sa kaniya.
May impartiality rin aniya si Remulla sa kaniya dahil tila hinatulan na siya ng guilty sa mga media interview nito.
Dismayado naman ang kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa sa inihain na motion to inhibit ni Bantag at iginiit na tututulan nila ito.
Maging ang Legal Officer ng Southern Police District na si Police Capt. Queenie Vertusio ay nagsabing haharangan din nila ang motion ni Bantag.
Inihayag naman ni State Prosecutor Charles Guhit, na binigyan nila ng pitong araw ang kampo nina Mabasa at mga pulis para magkomento hinggil sa inihaing mosyon.
Samantala, absent pa rin sa pagdinig ang iba pang suspek sa kaso.