Kampo ni Taguba, nakaabang sa susunod na taktika ng kampo ni Dong kaugnay ng 6.4-billion shabu shipment

Nakaabang ang kampo ng sinasabing Customs fixer na si Mark Taguba sa magiging takbo ng kaso ni Kenneth Dong kaugnay ng 6.4-billion shabu shipment mula China.

Ayon kay Atty. Raymund Fortun abogado ni Taguba, hinihintay nila ang magiging takbo ng kaso ni Dong matapos ang arraignment nito kahapon.

Una nang nakapaghain ng mga ebidensya ang kampo ni Taguba.


Mamayang hapon ang pagsisimula ng pre-trial sa kaso ni Kenneth Dong sa Manila RTC Branch 46.

Una nang itinanggi ni Dong ang akusasyon na siya ang nagsilbing middleman sa shabu shipment.

Facebook Comments