Kampo ni Teves, magsusumite ng motion for reconsideration sa pagbasura ng DOJ sa kanilang motion for inhibition

Tuloy ang laban ng kampo ni Congressman Arnolfo Teves Jr., para ma-inhibit o mapaalis ang Department of Justice (DOJ) sa paghawak ng Degamo murder case.

Sa preliminary investigation, sinabi ng abogado ni Teves na si Atty. Andres Manuel, na magsasampa sila ng motion for reconsideration kaugnay sa pagbasura ng DOJ Panel of Prosecutors sa kanilang motion for inhibition.

Aniya, nais nilang makahingi ng paglilinaw sa ginamit na basehan ng panel para ibasura ang kanilang petisyon.


Samantala, sinabi pa ni Manuel na naghain na rin ng affidavit of recantation ang lima pang respondents sa Degamo murder case.

Facebook Comments