Kampo ni Trillanes, aapela matapos hindi pagbigyan ng Makati RTC

Manila, Philippines – Tiniyak ng kampo ni Senador Antonio Trillanes na aapela sila matapos hindi paboran ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ang apela ng senador na ipabasura ang pagpapaaresto sa kaniya.

Bagaman hindi pa nila natatanggap ang kopya ng desisyon ng korte ayon kay Atty. Reynaldo Robles, abugado ni Trillanes, dudulog sila sa mas mataas na hukuman.

Batay sa desisyon ni Judge Elmo Alameda, hindi siya nakumbinsi na nakapaghain ng amnesty application ang mambabatas.


Dahil dito, mananatili ang bisa ng Proclamation no. 75 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapawalang-bisa sa amnesty na ibinigay kay Trillanes ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Facebook Comments