Manila, Philippines – Pumalag ang kampo ni Senador Antonio Trillanes sa naging pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra kaugnay sa paglabas sa bansa ng Senado.
Unang sinabi ni Guevarra – dapat nagpaalam si Trillanes sa korte bago lumabas ng bansa noong December 11.
Pero giit ng kampo ni Trillanes – ipinagbigay alam ng senador sa korte ang paglabas niya sa bansa.
Sa katunayan, nagsumite pa sila ng mosyon sa Makati RTC sa inilabas na desisyon ni Judge Elmo Alameda kung saan nakasaad ang binayarang ₱200,000 travel bond ng senador noong December 7.
Nakasulat din dito na pinapahintulutan ng korte na mag-abroad si Trillanes simula sa December 11 hanggang February 10, 2019.
Facebook Comments