Kampo ni Vice President Leni Robredo, dismayado kay PNP Chief Ronald Dela Rosa dahil sa kawalan ng aksyon sa hinihinging report kaugnay ng Oplan Double Barrel

Manila, Philippines – Dismayado ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa kawalan pa rin ng tugon ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa kanilang liham na humihingi ng report hinggil sa oplan double barrel.
 
Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, naghihintay pa rin sila ang report kaugnay ng mga operasyon sa double barrel, listahan ng mga drug suspek na napatay sa drug operation,  listahan ng death under investigation at mga natapos na imbestigasyon.
 
 
Sa press release ni DILG Sec. Mike Sueño, sinabi nitong natanggap nila ang sulat ni Robredo.
 
Pero paglilinaw ng kalihim, walang palit-ulo scheme sa mga operasyon ng PNP.
 
Kasabay nito, hinimok ni Sueño si Robredo na maglabas ng ebidensya para maaksyunan nila ito.


Facebook Comments