Manila, Philippines – Humiling ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa korte suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) na mapahaba ang deadline sa pagbabayad niya ang balanseng 7.4 million pesos na electoral protest.
Ayon sa abogado ni Robredo na si Atty. Beng Sardillo – higit 8,000 clustered precincts ang kinukwestyon ni Robredo kung saan nanalo ang kalabang si dating Senador Bongbong Marcos.
Sinabi naman ni Marcos – buo na niyang binayaran ang mahigit 30 million pesos niyang balanse para sa manual recount ng mga kinukwestyong balota sa kanyang protesta.
Dahil dito, nakumpleto nang bayaran ni Marcos ang higit 66 million pesos na siningil sa kanya ng sc.
Umaasa naman ang magkabilang kampo na matatapos ang gagawing manual recount at hindi matulad sa iba pang mga protesta na nabasura dahil natapos na ang terminong pinagtatalunan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558