Patuloy na magbabantay ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa election protest case na inihain laban sa kanila ni Bongbong Marcos.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng Bise Presidente, naniniwala silang maglalabas ng desisyon ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na naaayon sa panuntunan nito at sa actual count.
Umaasa naman si Sen. Imee Marcos na patuloy na gugulong ang electoral protest ng kanyang kapatid.
Matatandaang ipinagpaliban kahapon ng kataas-taasang hukuman ang deliberasyon ng protesta at iniurong ito sa October 15.
Facebook Comments