Kampo ni VP Leni, binibigyang sigla ng pag-arangkada ng people’s campaign sa huling tatlong linggo bago ang araw ng eleksyon

Sinabi ng kampo ni Vice President Leni Robredo na nakatuon na ang kanilang pansin ngayon sa huling tatlong linggo ng kampanya bago Ang eleksyon sa May 9, at ang kanilang inspirasyon ay ang pag-arangkada ng people’s campaign.

Sa isang pahayag, sinabi ni Attorney Barry Gutierrez, tagapag-salita ni Robredo, na sa ilalim ni Pangulong Robredo, taumbayan ang panalo.

Ito ang naging reaksyon ni Gutierrez pagkatapos batikusin nina Senator Panfilo “Ping” Lacson, Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno, at dating Defense Chief Norberto Gonzales si Robredo, ang nag-iisang babaeng kandidato sa pagkapangulo.


Nagkaroon ng press conference ang tatlo noong Linggo ng Pagkabuhay ni Kristo sa Manila Peninsula, isa sa pinaka-magarang hotel sa Metro Manila.

Inakusahan ng tatlo na pinipilit daw sila ng kampo ni Robredo na huwag na ituloy ang kanilang sa pagtakbo pagkapangulo.

Ang sabi nila, tutuloy sila.

Ayon kay Gutierrez, kung nagdesisyon sila na tuloy ang kanilang kandidatura, hindi sila dapat nang bully at nagpakalat ng kasinungalingan.

Bago nag-Semana Santa ay umarangkada na si Robredo sa survey at humahabol na kay Ferdinand Marcos Jr., ang anak ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Napakarami din ang mga sektor na nag-endorso kay Robredo para iboto siya bilang pangulo sa Mayo 9.

Sa isang survey na ginawa ng Truth Watch na isang grupo ng mga researcher na naka-base sa University of the Philippines, umangat na si Robredo ng 14%.

Mula sa 16% ay 30% na ngayon si Robredo.

Samantala, bumagsak naman si Marcos ng walong porsyento.

Mula sa 60% ay nasa 52% na lang siya.

Ginawa ang survey noong ika-22 ng Marso hanggang Abril 1.

Facebook Comments