Kampo ni VP Leni, iginiit na tanging si PRRD lamang ang pwedeng maglimita sa papel ng VP bilang Anti-Drug Czar

Iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang pwedeng maglimita sa awtoridad ng Bise Presidente bilang Co-Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ito ang tugon ng VP Camp sa pahayag ng PNP OIC Lt/Gen. Archie Gamboa na dapat mag-focus na lamang si Robredo sa Drug Rehabilitation Efforts.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, handang makinig si Robredo sa anumang suhestyon.


Iginiit din ni Gutierrez na hindi si Gamboa ang magtatakda ng parameters para kay Robredo, kundi ang Pangulo.

Tiniyak ng kampo ni Robredo na hindi makokompromiso ang National Security.

Facebook Comments